There is a time for everything. A season under the, as of late, frequently hiding sun… now is a time to vent.
Naiirita na ko. Okey, more than that pero ayokong mag-overstep na naman at sabihing galit ulit ako. Sabi ko kasi I don’t care enough to be angry anymore. Pero hindi nabubura nang pagmomoderate ko sa sarili ang ka-bullshitan ng lahat.
Hindi kami close na magkakapatid. Para lang kaming magkakaklase sa isang subject na terror at walang kwenta ang teacher. Hindi kami nagsasabihan ng pinakamalalaking problema namin at protocol na iwanan na lang mag-isa pag may problema o may umiiyak. Bihira kami magkampihan pag napapagalitan. Minsan lang, pag sabay kaming pinagagalitan para sa isang walang kwentang bagay. Kaya sobrang bad trip lang siguro ang makakapag-usig sa kapatid kong bunso na umuwi na ko dahil mag-isa lang sya sa bahay at napagdidiskitahan sya. Anong level ng kagaguhan ang magtutulak sayo na itext ang kapatid mo dahil bullshit daw lahat sa bahay? Lalake yung bunso kong kapatid, pareho kaming hindi humihingi ng tulong. Oo, gago lang talaga ang mundo.
Kahapon, kwento ni ate, nagyayaya daw kumain si ian pero hindi daw nya mapakain dahil tinago ni papa lahat at tinaggal yung koneksyon ng stove sa gas. Gusto kong matawa pero sobrang gago kasi ng dating. Okey lang kung ako lang. shit, hindi na nga ako kumakain sa bahay. Ikinukulong ko lang ang sarili ko sa kwarto at nagbabasa dahil mas masaya yun kesa pag-isipan ng paulit-ulit ang kagaguhan ng lahat.
Iniisip ko yung sinabi ni jr sa text… kung hindi lang daw nya kelangan ng pamasahe araw-araw makikipagsapakan na daw sya; hindi naman daw sya mahalaga. Hindi nga sya mahalaga, kahit para sakin. Naisip ko, bakit kaya hindi na lang ako umalis ng bahay? Pero kelangan ng mga mas bata kong kapatid ng suporta. Kahit para lang sigawan si papa para sa kanila. At bahay namin yun, bayaran nya ko kung gusto nya ko paalisin. Napaka-angsty ng buhay.
Cold war sa bahay, sa dalawang pamilya: kaming magkakapatid at sya… pero baka matapos na yung ‘cold war’… umiinit na ulo ko.
Sinusubukan kong maghanap ng goodside.
6 comments:
la lang, kahapon lang ata ako ng take ng personality test,sabi ng results clinically depressed daw ako,(at shempre kelangan ko raw magpaduktor) pero san pa? lam ko naman kung ano yung source ng problema,tagal ko nang nagkikimkim ng galit (family family family)at may mga bagay na hindi basta basta pwedeng takasan(family family family),pero naiintindihan kong pagod na'ko at kelangan ko ring mamahinga,bago pa maupos yung kakaunting ambisyong meron ako. kaw? kelan ka magpapahinga?
sa dami ng problema niyo dapat mag bakasyon! abra!!abra!!abra!!abra!!abra!!abra!!abra!!abra!!abra!!abra!!abra!!abra!!
weeeeeeeeee, wala akong masabing malunkot since malunkot na kau kaya manggugulo naang ako. *mwah* si kim ung nasa taas diba?
-o3
palaging si kim yung anonymous... hahaha
abra abra abra!
@kim: hindi ko kelangan ng pahingang sinasabi mo. wa;a akong ambisyong mawawala o mauupos. di ako marunong mangarap. (ayus, andrama, kunwari tunay)
waaah! yabang nyo ah? haha! eh sa "may nunal ako sa kanang pisngi eh" makakapgapahinga na'ko kala nyo.
shit! kung lungkot ang paguusapan... ako ang taong nabubuhay sa kalungkutan... it's been 6 years na...pero pakshet!! d ko sha makalimutan... nalulungkot ako! (does it make any sense?)
hi, sino ka?
Post a Comment