Sunday, August 27, 2006

sci fi

nakakirita. napakadami kong gustong malaman at matutunan na parang kulang ang mundo, ang oras, ang kakayanan kong maunawaan ang lahat. ang lawak talaga ng mundo, sa lahat ng aspeto hindi lamang sa pisikal o topograpikal. nanliliit na naman ako. hindi ko alam kung pano ko sisimulan matuto.

---

kasama ko sila jaymee at lex kahapon. sobrang tagal na pala talaga naming hindi nagkikita-kita. ang masaya dun, kahit sobrang layo na ng buhay namin sa isa't isa, parang wala pa ring nagbago. ganun pa rin yung samahan, walang nagbago sa siyam. habang kasama sila napansin ko kung kalaki na ang pinagbago ko mula sa 'ako' na kilala nila. marahil hindi sa ugali o pagkilos pero sobarang iba na ang pananaw ko ngayon. hindi ako magtataka kung sobrang maibahan o maguluhan sila sa mga paniniwala at paninindigan ko. para na nga talaga kaming magkakapatid, bahagi na kami ng buhay ng isa't isa kahit magkakaiba na ang takbo ng mga mundong kinabibilangan namin.

pero sana kasama din namin yung iba kahapon. nakakamiss yung dating masaya, magulo at napakaingay na kulitan at asaran pag magkakasama kaming lahat. kahit na hindi na kami madalas magkahalubilo, hindi ko pa rin maisip kung ano ang nangyari sakin kung hindi ko sila nakilala.

---

gusto ko magbasa ng sci fi. napansin ko lang na hindi na pala ako masyadong nakakabasa ng mga sci fi o fantasy na kwento o nobela ngayon. nung elementary ako (at loner at naktambay sa library mag-isa) kadalasan sf short stories ang binabasa ko. sa tingin ko mas okey humasa ng imahinasyon ang mga kakaibang kwento sa science fiction. plus, mas nakakatuwa ang science na subject pag naiisip mo ang mga posibilidad sa teknolohiya.

pero sana madaling maghanap ng mga full length novels ni philip dick, robert heinlen o kahit ni isaac asimov o kaya kumpletong koleksyon ng mga maiikling kwento nila. at sana talaga matapos ko na ang mga nakapila pang mga aklat na dapat at gusto ko ring basahin.

---

pilipino. wala lang. kakaiba daw kasi pag nagtagalog ako sa blog. mas sanay akong sumulat sa ingles.

wala na ko maisip sabihin.

3 comments:

sam said...

meron din ako nakita sa booksale na collection ng short stories ni pkd pero hindi ko nabili. pero short stories lang yun (though andun yung PAycheck)somehow, i was hoping to find some of his stories sa net.

speaking of the matrix trilogy, yung first film lang kinatuwaan ko. masyado na action-packed yung iba...

sam said...

i liked dark city at yung changing personalities/lives each night. ang saya!

have you watched sin city? though not really sci fi (comics sya galing) okey din yung story at yung pagka film noir nya...

Anonymous said...

Hey.... read Isaac Asimov firsdt... then go to Arthur Clarke, Stephen Baxter and a lil of Carl Sagan... :)