Monday, July 18, 2005

rainy days and mondays...

Wala ako magawa. Ansakit parin ng katawan ko.

Sandali. Filipino? Bago! Ehehehe


Week end.

Masaya ang weekend!? (Kasama talaga yang question mark, hindi ko alam ang batayan ng kasiyahan, nasabi ko lang yun kasi may bago na naman akong ginawa) Nung gabi ng Sabado hanggang Sunday morning naitakda ang belated 2004 christmas party ng menus family. Andaming food – mga pang-isang batalyon. Nung umaga after shift, sinamahan ko ang 2 bading naming caller para mamili sa Commonwealth Market. Gusto ko nang derechong umuwi galling work pero naawa ako, hindi sila marunong mamalengke, mag grocery lang. So, mala-tour guide/taga-bitbit ako. Nakakatawa siguro kaming tignan, ako na mukhang timang, isang hindi na mukhang babaeng naka-heels, dangling earrings at id pero nagtataka kung bakit alam nung mga sumisipol sa kanya ang pangalan niya at isang ewan na kamukha daw ni chocolate (hindi ko sya kilala) na nagkaroon madaming bulkan sa mukha at tumangkad. (buti na lang hindi nila alam na may blog ako, patayin ako ng mga yun eh… ehehehe pis!) Matangkad na ko pero mas matangkad sila pareho sakin. Nanliit yung nagbebenta ng baka na nakatuntong sa wooden crate samin lalo na kasi ansama ng titig sa kanya ni lan (na may killer stare) kase tanong siya ng tanong kung ano nga ba talaga siya, babae o bading. Magluluto sila ng apat na kilong spaghetti at 7 kilong fried chicken, treasure hunting kami sa palengke. Astig na party siguro.

Kung iisipin, astig nga! 21,000 daw ang pondo mula sa tate. Obernayt swimming party sa isang bahay na (malamang) may pool, billiards table, tv at mga kwartong pwedeng tulugan. Andaming pagkain!!! (nasabi ko na ba yun?) Andaming tao - mga twenty. Ang usapan 6pm dun sa place kasi kelangan mag-ayos tsaka para masulit kasi magsshooting daw dun ng 6am ang daisy syete na lahat ng tao any namangha na hindi ko alam. (Siyete! Malay ko ba!) Proud ako late ako!- ng thirty minutes… pagdating ko dun 2 pa lang kami. Pagdating ng 7, dalawa parin kami at gutom at walang load.

Pero dumating din sila nung sumunod na oras matapos naming magmukhang tangang magbilliards kase pareho kami hindi marunong. Tapos nagsimula na ang kainan at ang mga sirena sa pool. Kung 10pm ako nagsimulang magtampisaw siguro mga 4:30 na ako umahon for good (umiiwas ako sa inuman). Ang sakit ng katawan ko.

Uwian ng 5:30 am. Uwian din ng pagkain. Inuwi ko rin yung sawsawan ng lumpia (ufc samting, antsalap eh). Walang tricycle kaya naglakad kami palabas ng village. Mabigat sa bag ang basang damit at twalyang ginamit ata ng lahat. Mabigat din pati yung walang lamang tupperware. Nasabi ko na bang masakit ang katawan ko? Tumuloy sila ng inuman, umuwi ako at nangako kay mae anne na sasamahan ko sya ng hapon samwer. Bagsak ako sa kama. Nagkamalay ako para maalala na hindi pa ako naglalaba, wala na kong damit at pucha, anong oras na!?! Buti na lang na-cancel ung pagsama ko kay mae anne samwer kase wala daw sya mahanap na perya. Tulog ulit… naguilty, bumangon at naglaba.

Tapos natulog ulit.

Tapos umulan buong gabi.

Monday.

Gusto ko bumili ng Harry Potter and the Half-blooded Prince na sabi ni ate mamamatay daw si Dumbledore. Ayoko maniwala. Gusto ko bumili ng libro, pero wag daw muna kasi sayang sa pera… antayin ko daw muna bumaba ang presyo… o ang thirteenth month pay, kung alin man ang mauna.

Dahil wala ako magawa kanina. Umalis ako ng bahay kahit umuulan at nanood ng sine. Oo, mag-isa. Sasamahan sana ako ni ate kasi libre ko naman pero tinulugan nya ako. At dahil sa umuulan, wala nga ako magawa at gusto ko bumili ng harry potter 6 pero wag nga daw muna (ang kulit), nilibre ko ang sarili ko sa bk, tumikim ng onion rings (hindi masarap) at nanood ng dalawang sine.

Nanood ako ng Pinoy Blonde! Experimental sya. Kulang sa kwento pero okey na sa epeks. Hindi madaling maka-relate kung hindi ka movie geek. Hindi ako movie geek. Hindi ko alam kung mas magaling si Brocka kay Bernal. Pero nakakatawa. Astig ang sound track. Andaming mura at andaming dialogue mula sa iba’t ibang pelikula. Kulang sa background ang characters tsaka kulang sa justification. Andaming cameo appearances. Pero gusto ko yung character ni Ricky Davao, henyong baliw na walang sense ang kilos(?). At para makasira ng araw, ang laman nung brown paper bag ay... siopao.

Tapos since maaga pa at may pera pa ako tsaka ayoko pa umuwi, bumili ako ng venti mocha frappe sa starbucks at nanood ng Nasaan Ka Man. Astig! Ang ganda… madrama pero hindi tearjerker na ililihis ang atensyon mo sa pagka suspense thriller ng pelikula. Ang ganda ng mga shots (cinematograpia?) tsaka nung kwento. Akmang-akma yung sinister character ni Ito kay Diether. Basta!! Sana showing pa kung hindi mo pa napapanood… hindi ako magaling magkwento eh. (Hindi rin ako magaling magreview ng pelikula, halata ba?) Okey din yung twist. I should’ve seen it coming… I could only shake my head in amusement and awe.

Tapos manonood pa dapat ako ng Ice Princess pero 6pm na tsaka dahil nakashot nako ng kape, inaantok na ako. Umuwi nako tapos nagtangkang matulog.

San kaya makakahanap ng manuscript ng Harry Potter 6?

Ansakit pa rin ng katawan ko!

Gusto ko na matulog ulit!

No comments: