Tuesday, August 23, 2005

walk home

Kanina, since wala akong kasabay, naglakad ako pauwi. Ang weird ko siguro… pero masarap maglakad. Hindi ko na madalas magawang maglakad mag-isa o kahit hindi mag-isa kasi ang palagi kong kasabay pauwi ay palagi ring naka high heels at ang palagi kong kasabay pauwing yon ay babatukan siguro ako at titignan ng masama pag bigla kong sinabi na gusto kong maglakad. Parang sinabi ko na rin na mag poetry reading kami kahit gusto nilang mag-inuman lang…

Pero masaya maglakad, kahit mag-isa ka lang. Its like slowing down to smell the invisible roses except that you breathe in the stench of pollution and garbage stupid people carelessly dump everywhere. Habang naglalakad ako sinusubukan kong ijustify sa isip ko kung bakit nga ba ako naglalakad… walang pinatunguhan, hindi bagay sakin mag-isip.

Gusto ko ulit maglakad mamaya! Pero sana bukas na ang McDo para may breakfast…


Nanaginip ako kanina… may isang part nung panaginip na narinig ko daw ang boses ni mama tapos tuwang-tuwa akong bumaba, tapos wala sya dun, mga kapatid ko lang at pamilya ni papa andun sa may sala. Nalungkot ako, bumalik ng kuwarto tapos naisip ko na parang nakakalimutan ko na ang boses ni mama. Kanina ko pa pinipilit isipin kung naalala ko pa nga o hindi. Hindi ko inaamin o nasasabi to ng madalas pero namimiss ko si mama. Ansama ko sigurong anak kasi hindi man lang ako dumadalaw sa kanya sa anniv ng pagkamatay nya or sa birthday nya… pero para ano pa ang ipupunta ko dun. In denial pa rin ako, ayoko pa rin tanggapin o masyadong pakaisipin na wala na sya. Two years na syang wala… nagbago na ang buhay naming lahat… pero sa mga panaginip ko palagi syang bumabalik na parang galing lang ng probinsya o ng palengke tapos para akong batang matutuwa… tapos magigising ako at malulungkot. Sheesh… ganun ba talaga yun?

Nabasa ko kahapon… wala lang.

Do not stand at my grave and weep,
I am not there, I do not sleep.
I am a thousand winds that blow.
I am the diamond glint on snow.
I am the sunlight on ripened grain.
I am the gentle autumn rain.
When you wake in the morning hush,
I am the swift, uplifting rush
Of quiet birds in circling flight.
I am the soft starlight at night.
Do not stand at my grave and weep.
I am not there, I do not sleep.
Do not stand at my grave and cry.
I am not there, I did not die.
- Mary Elizabeth Frye (1932)



Kanina tinanong ako ni ate kung san ko balak mag-aral at kung ano balak kong kunin. Naalala ko tuloy n kailangan ko na ngang ayusin ang buhay ko at isipin kung saan o paano ako mag-aaral by next school year. Wala pa rin ako maisip na course. Gusto ko mag-aral sa UST, pero may uniform. Okey lang siguro mag-aral sa UP kasi malapit at walang uniform pero baka hindi maabot ng tinatawag na ‘intellectual capacity’ ko. Masaya din siguro mag-aral sa PUP pero AB/BA lang naiisip kong course na kunin at kung yun daw ang course mo sa PUP, sabi ng barkada ko, palagi kang nasa kalsada at palagi kang nakiki-rally… atsaka hindi ko pa rin alam kung paano pumunta dun.

Wala na kong ibang maisip na school.

Wag na lang kaya akong mag-aral… HINDI! Hindi pwede yun! Dahil… basta!!!

Sheesh!

Andami kong gustong gawin sa buhay ko… hindi ko lang alam kung ano… o san magsisimula…

Pero kelangan ko na atang kumilos.

No comments: