Thursday, August 18, 2005

jail time

Hindi ako matahimik. Gusto ko umiyak, gusto ko sila iyakan, pero wala naming mangyayari… saka walang oras, baka batukan ako ng mga tao ditto sa office pag bigla na lang ako humagulgol dito. Nabura na ang mga tatak sa braso at palad ko, palatandaan na dalaw lang kami. Hindi pa rin mabura sa isip ko ang lahat. Ayoko syang makalimutan.

Sa ngayon tanging picture lang ng logo ng Navotas City Jail ang meron ako. Wallpaper na sya ng phone ko, pati ng phone ni mae anne… para lang siguro palala. Sana merong iba. Sana habangbuhay matatak sa isip ko ang itsura ng mga batang dinalaw namin sa kulungan. May mga nakita akong picture sa internet…

Nungniyaya ako ni maeanne kagabi, adventure daw! Syempre natuwa ako, experience yun. Sigurado may matututunan akong bago. Pareho naming hindi alam kung ano ang ieexpect. Pumunta lang kami.

Nameet namin yung mga volunteers ng PREDA (People’s Recovery, Empowerment and Development Assistance Foundation Inc.) sa Malabon City Jail. Papunta palang eye opener na… bakit bumabaha kahit hindi umuulan? Bakit matagal nang alam na umaapaw ang tubig sa ilog pag high tide at binabaha ang kalsada pero wala pa ring ginawa para hindi na mangyari yun ulit? Well, I mean, bukod sa pag renovate/elevate ng city hall para hindi sya pasukin ng tubig…

Nameet namin si ate jackie sa labas ng kulungan. Pumasok na yung iba nilang kasamahan. Pumasok na rin kami. Pagpasok mo pa lang, ramdam mo na ang mga mata ng mga inmates sayo. Palingon-lingon lang ako sa paligid, apprehensive. Malinis yung jail. Maliwanag, mahangin at hindi pinapasok ng tubig, not bad naisip ko. Yun ay hanggat hindi pa ko nakakapasok nung selda.

Inretrospect, maayos ang kulungan sa navotas. Siguro dahil na rin sa nakita ko na ang mas malala. Nasa second floor ang cell ng minors. Dun nakilala namin ang mga kasama namin para sa araw na iyon: sina ate jo at kuya rod na taga PREDA din tsaka si dan at david na galing sa isang org sa Ireland para mag-observe. Si ate jo ang kumakausap sa mga bate in general, si ate jackie ang nag-iinterview ng mga bagong bata isa-isa para sa background ng kaso at para ipaalam sa magulang na pwedeng lumapit sa kanila. 25 (ata, nakalimutan ko na eh) sila, mula 15-17 y/o. nakahiwalay sila ng selda sa matatanda pero may kasama silang matatanda matulog sa selda nila. May tv na ang saksakan ay 2 wire na ipinapasok sa socket, may vcd/dvd player at mga pirated na vcds, may mga raketa ng table tennis, may dalawang gitara na nakasabit sa gilid, may isang bola ng basketballna mukhang display lang, may 2 set ng visionary, chess set, kalendaryo na personalized para sa juvenile delinquents, may hand made poster ng mga juvenile delinquents na nakatago ang mga mata sa mahahabang buhok kahit na semikalbo silang lahat, may banyo, may lamesang kainan, jug ng tubig, may isang kama at may 30 taong natutulog dun sa gabi. Waw. Nakaupo silang lahat sa tapat namin, nakaupo pa lang sila sakop na nila more than half nung room.

Habang kinukolekta ni mae anne at ni ate jackie ang case background nila, kausap ko si ate jo tungkol sa foundation nila, sa mga ginagawa nila at sa kung anu-ano pa. Mahirap din maging NGO, maliit ang sahod, mataas ang stress level at mabigat sa puso pag wala kang nagawa. Minsan, pag incapable ang parents, suspended ang sentence o pag pinili nila, ang PREDA ang nag-aalaga ng mga bata. May center sila kung saan di hamak na mas friendly at uplifting ang environment kesa sa kulungan. Kapansin-pansin, lahat ng bata ay may skin disease at scabies. Andaming tao, pero since hindi silang lahat ay nasa loob ng selda, hindi ko maestimate kung ilan ang laman ng iba.

Marami sa mga bata ang mag-iisang buwan na sa kulungan at wala pang arraignment ng kaso, dinampot ng walang warrant at hindi nag-undergo ng medical checkup upon arrest para alam kung sinaktan sila ng mga pulis o jail guard. Minsan pa daw dismissed na yung kaso ng bata pero hindi pa inilalabas ng kulungan kase sayang daw ata sa gas kung isang bata lang ang ihahatid nila. May mga bata na illiterate at hindi alam na nalalabag na ang mga karapatan nila. Yun ang papel nila.

Umalis kami dun na medyo nabagabag. Anlungkot din ng kwento ng mga bata. Ang mga kaso nila ranges from theft to frustrated homicide. Bukod sa pagtulong sa mga batang ongoing ang trial, tinutulungan din nila yung mga tapos na ang kaso para maayos na maassimilate sa society. Yun pala ang kwento ni ate jackie, dati syang isang batang tinulungan ng PREDA, ngayon hindi lang daw sya volunteer, nagte-teatro pa daw sya na nakarating na sa iba’t ibang bansa. Kasama din namin yung ilang batang nasa custody nila while ongoing yung kaso, nailigtas na sila mula sa preso, sa PREDA base sa Olongapo na sila nakabase na, ayun kay ate jo, parang resort compared sa selda.

Nalaman din namin na ang PREDA din pala ang tumulong sa mga taga ITV na gumawa ng report about the state of juvenile detention sa pinas. Nakakinis na nagkakaroon lang ng pagbabago kasi nagkaroon ng expose tungkol dun. Next stop namin yung lugar kung san shi-noot yung report, sa Navotas City Jail.

Kung ikukumpara sa Malabon, well kempt zoo ang malabon at kural ng baboy ang selda sa Navotas. Amoy ganun din.

Mas well-guarded sya. Andaming inmates. Kinausap namin yung mga bata sa grounds. Akala namin nung una 8 lang sila, 13 ata silang andun. Same, kinuha nila case background nung mga bago. Ang pinakabata nila ay 14 y/o 2 buwan na daw sya dun. Merong iba lampas isang buwan na dun, ang kaso: tantsing o kara krus, illegal gambling lang. tsk! Andami-daming jueteng lords sa pinas pero nakulong ang isang 15 y/o kid dahil lang sa kara krus! May isa nahuli daw syang nagru-rugby, hinuli sya at ikinulong, illegal possession and being under the influence of dangerous substances ata, 15 lang din sya. Damn! Hindi ba dapat detained lang yun or at least rehab? Criminal case ba yun!?!

Ang kadalasan pang nangyayari hindi nasusunod ang tamang proseso sa paghuli ng mga bata. In a perfect world, pag nahuli yung bata, dadalhin sa magulang tapos sila magdedetain or sa institution na para lang sa mga juvenile delinquents. Kelang may medical checkup bago sila I detain ng pulis. Kelangan may warrant of arrest bago sila biglang nakawin sa buhay nila. Kelangan wala munang interrogation hanggat walang defense yung bata. Kelangan basahin yung rights ng bata sa kanya kasi hindi lahat sila marunong magbasa. Kelangan nang masunod ang mga protocols na yun… pero hindi.

Hinatid namin sila sa selda nila. Welcome to hell bigla. Welcome to the real world daw, reality check en all that cliché stuff… pero hindi, mas malala to sa tunay na mundo. Nasa dulo ang selda nila, katapat ng selda ng mga babae. Kung sakaling magkaemergency sa building at kelangan nilang lahat lumabas, huling maliligtas ang mga minors. May tv sa selda nila, may double deck na isang tao lang ang kasya sa isang palapag ng kama, may table, may banyo, may mga marka sa dingding na nagpapatunay na binabaha sila dun pag umuulan. Pag umuulan daw, palitan ang tulog, nakaupo lang sila sa table, sa kama or yung iba natutulog ng nakatayo. There’s an atmosphere of oppression, stink of lost and dying hopes. glazed eyes expecting nothing and fearing to hope for too much.

Sa ireland daw, sabi ni david, ang seldang katulad nung selda nung minors ay apat lang ang lman, at most. May playstation, tv, well ventilated at malinis. Wala kami sa Ireland, nasa hell kami. Sabi ni kuya rod, may karapatan silang magkaroon ng proper exercise pero anliit ng open space tinanong namin yung isang bata, nakaklabas lang daw sila ng selda para sa exercise ng Monday pero halfday lang tsaka pag may dalaw sila. Shit… isipin mo kung wala kang dalaw… minsan volunteers lang din at social workers dalaw nila. Ang lungkot. Ang gago.

Nasa 4 na naunang selda ang mga matatandang lalake. Nakahiwalay lang ng tutulugang kwaro ang mga bata, pero parang ganun pa rin, sila pa rin ang magkakasalamuha buong araw, araw-araw. Hindi ka makatingin ng derecho o nang matagal sa mga selda nila. Nakaktakot sila. Sa isang seldang est. 6 by 4 meters, parang andami-daming tao… pinakamababa na ang 30 sa isang selda. Nakikita mo sila pero ayaw mong tignan, lahat sila nakatingin samin paglabas. Pagtapak namin sa malapit nang lumubog na araw… ansarap pala ng hangin, kahit medyo pollutioned. May foreigners daw silang dinala dun dati na paglabas humagulgul ng iyak. Yung mga kasama naming Irish na napaka complacent the whole day, galit na galit. Nakakagago nga kasi. Sobra.

Sa sasakyan pabalik ng kabihasnang parte ng bigla naming naguhong mundo, pinag-usapan namin kung ano mangyayari sa kanila. Usually daw, tinutulungan ng NGO yung social worker na ilakad yung kaso at hinihingi ang custody ng bata habang ongoing ang trial para hindi tuluyang masira ang moralidad, dignidad at mentalidad nila sa kulungan. Nakikipagcoordinate sila sa mga guyardians nung bata. Paano pag walang guarian? tanong ko. Wala daw silang magagawa kelangan syang asikasuhin mismo nung social worker. Isang social worker lang ang humahawak ng kaso para sa mga lungsod ng kalookan, malabon at navotas.

Ang gago ng buhay.

No comments: